Si P pinangarap maging drama anthology queen.
Si S pinangarap maging news anchor/host.
Si D pinangarap maging Little Miss Philippines.
Ang tatayog ng mga pangarap. Pero malay naman natin, matupad eventually. (Pwera lang yung Little Miss Philippines ni D. It’s too late, baby, now. It’s too late.)
Kaya pansamantala, tinuruan muna namin ang mga poging millennials na sina Neo, Aki, Air at Jesi Corcuera (dahil kailangan kumpleto talaga ang Jesi Corcuera), kung paano ang tamang paraan ng panliligaw — OLD SCHOOL STYLE — sa aming pinakaunang stage performance ever sa ADOBERS TAKEOVER!!!
Lesson # 1: Mag-effort. Ipagbuhat si girl ng gamit. Pagbuksan ng pinto. Ligawan ang buong pamilya. Mang-harana.
Lesson # 2: Wag emoji ang ipadala. Totoong bulaklak at tsokolate dapat.
Lesson # 3: Di pwedeng hanggang chat lang. You need to personally create moments with her.
For more tips, BTS at ang actual performance namin (bawal mang-judge :D), watch this video.
Sobra kaming nag-enjoy! Salamat sa aming co-actors (naks!), especially kay Dyosa Pockoh. At thank you, Adober Studios, sa pa-experience! Today, the PTTC Stage, tomorrow SM MOA Arena naman! Char! 😛
Leave a Reply