36 na kami. Anim na taon na kaming expert at being “30s”. Ang daming nagbago nang umapak kami ng trenta – physically, mentally, emotionally. Kaya we feel a moral responsibility to share with you, millennials, what to expect pag umabot kayo sa edad namin. Para prepared kayo. Don’t get us wrong, pinilit naming “manlaban”, pero may mga bagay na tinadhana talagang mangyari pag-abot mo ng big 3-0.
1. NASAAN KA, METABOLISM?
Hindi ko alam kung ano ang science behind it, o ang tindi lang ng biological clock ko, pero pagsapit ng October 29, 2011 (birthday ko), nag-alsa balutan, kinuha ang passport at sumakay sa eroplano si METABOLISM. Di man lang siya nagpaalam.
Kung dati, 2 days lang ako hindi kumain ng kanin, nag-lose na ako ng 2 lbs., ngayon, inamoy ko lang ang chicken pork adobo, nag-gain na ko ng 2 lbs. Hayup.
.
2. NO SLEEP, NO BEAUTY
Noong law school kami, kaya naming hindi matulog for 72 hours. Oo, hanggang tatlong araw, lalo na pag finals. Sa katunayan, makatulog lang kami ng 4 na oras sa gabi, parang kaya na namin sumali sa Iron Man kinabukasan sa sobrang energized!
Pero ngayon, kapag 4 na oras lang ang tulog namin, WAG NIYO KAMING KAUSAPIN! Either wala kaming maiintindihan sa pinagsasasabi niyo o lumabas ang inner buwitre at mabulyawan namin kayo. Ganun lang talaga. Pasensyahan tayo.
.
3. GIMIKERA NO MORE
Ikaw, millennial, todo inom ka ngayon. Pa-shot shot ka ng Absolut Vodka at tequila. Ang chaser mo beer. Ayos! Ganyang ganyan din kami. Ang gawain namin noon, mag-aaral kami hanggang 11pm. Tapos didirecho inom na kami sa Pier One. Strong Ice at Colt 45 pa uso nun. Pulutan namin Garlic Mushroom lang kasi yun pinakamura. Tapos kinabukasan, pasok kami nang 8am. Amoy-chico pa at nagkakanda-hulog ang mga libro sa lamesa. Astig diba?
Enjoy-in mo yan kasi pag-apak mo ng 30s, sa rubbing alcohol ka na lang matutuwa, specifically yung nasa maliit na bote na di nawawala sa bag mo. Kasi isang baso ng wine pa lang, hinihila na ng gravity ang talukap ng mata mo pababa.
.
4. LIFE IS SHORT-ER
Noong ka-edad namin kayo, ang motto namin — LIFE IS SHORT. Kaya ready kami for anything! Willing to try new food, thrilling adventures, travel to exotic places (na hanggang karatig-probinsya lang naman kasi wala pa kaming masyadong budget).
Pero ngayon, ang saya na namin pag may kasamang tsokolateng batirol ang ensaymada sa Mary Grace, ok na kaming magbantay ng mga bag habang nasa rides ang mga bagets, at mas bet na namin mag-#staycation sa hotel (o tulog lang sa bahay pag wala pa ring masyadong budget).
Yung motto namin noon na “LIFE IS SHORT”, applicable pa rin naman ngayon kasi LITERAL, LIFE IS SHORT-er NA PAG TUMATANDA.
.
5. DON’T TAKE YOUR TIME
Ang payo sa’kin ng mga titas ko noon, wag magmadali. Take your time. Lalo na pagdating sa love. Madami pa raw ako makikilala pagtanda ko. Mas ok, mas mayaman, mas pogi, mas mabait, mas thoughtful, mas lahat na. Sumunod ako eh. Bait ko kasi. Eto tuloy tayo… 36… single… 36… single…36… single.
Kaya ang payo ko sa’yo, millennial, wag pa rin magmadali…pero wag din tutunga-tunganga. Date lang nang date. Wala namang mawawala. Pero yung wholesome date ha. (Aahitan kita ng kilay pag naglandi ka!) Worst case scenario, naka-libre ka na ng dinner o kape, may magandang kwento ka pa sa barkada mo.
.
Talagang madaming mawawala sa’yo paghantong mo sa edad namin – metabolism, at puyat tolerance, etc. Ang maganda lang nyan, madami ka ring makukuha habang tumatanda – maturity, independence, stronger sense of yourself (naks!). Kaya enjoy ka lang, millennial. Mas mag-eenjoy ka pa sa 30s mo. 😉
Alabyu! Binasa ko while suffering from existential
crisis. Malaking tulong po yung wit nyo.
Danas na danas ko ang mga items sa list. Hahahahaha. Iba pag nasa 30’s na. 🙂 Good read!
Intay pa kayong mag 40’s, yan na talaga ang titas of manila. Pati titas ng
mga doctor
Sakto! Ganda ng pagkakalahad!
Hi Ms. P. Ok lng yan nageexercise ka naman sabi sa isang video. By the way what is ur exercise regimen?
Labo ng comment ko pero relate na relate hehe