Want to dress up like your favorite celebrities?
Ang tanong… may pang shopping ka ba?
You dont need new clothes to be the trendy fashionista you truly are…because your diskarte and creativity will take you far! Rhyming pa yan ha! Gusto niyo ng pruweba?
1. It’s okay to go vintage.
Yung t-shirt na nakuha mong giveaway sa isang hardware na mga walong taon mo ng ginagamit. Yung butas na sa kilikili. Yung ginagamit mong pangtulog three times a week. Yun! Ang tawag dyan “vintage.”
Butas na rin lang, lubos lubusin mo na.
Gawin mo nang tube. But of course, it can’t be just a boring blouse. Add a dash of fash! Gupitin na rin ang neckline — instant choker!
Uso yan, ganyan din ang OOTD ni Janeena Chan. 😊
2. And it’s okay to be distressed.
Speaking of vintage shirt, meron ding vintage jeans. Ito yung jeans na wala ka pang buhok sa kilikili, maong mo na. Ito yung jeans na distressed di dahil sa style kundi dahil nalaipasan ng panahon.
In fairness, usong uso na yan ulit.
Channeling Anne Curtis!
Pero kapag bitin na ang vintage jeans, you can always wear them as capri pants…
Bermuda shorts…
Hanggang maging p@k p@k shorts!
Maggie Wilson lang ang peg! 😉
Tapos yung tinabas mong mga tela, pwede pa gawing sleeves for that “May Pabakuna Si Mayor” look. 😂
Hello Madame Liz!
3. It’s important to look fresh. (Note, look lang 😂)
Di mo man matatapatan ang abs nya, kaya mo naman ma-achieve ang look ni Jackie Go.
Fresh and sweet lang ang dating.
Kahit yung amoy ng lumang kurtinang nilapastangan mo, di na masyado fresh. Puwede pa yan.
Di naman nila maaamoy sa picture. 😉
4. Don’t let go.
May mga bagay na mahirap i-let go. Tulad ng mga damit na nabili mo 5 years ago. Kahit namumutok na ang mga braso, pinanghahawakan mo pa rin ang paniniwalang PAPAYAT KA PA.
Aba, malay mo nga naman. Pero in the meantime, masusulit mo pa rin ang “petite” wardrobe mo. Use the pieces to complete your OOTD.
Drape it… (like Yuki Tansengco)
hang it…
wear it on one shoulder…
JUST DON’T WEAR IT…kasi di na nga kasya. 😆
5. Dress comfortably.
Comfort is key, sabi nga nila, especially when it comes to summer fashion. Wear light, colorful materials to achieve that vibrant look.
At wala nang mas light at colorful sa staple naming daster.
Just a little nip and tuck…
Ang daster mo is now a chic wide leg floral pants just like Marian’s. 😉
Eto na ang tinatawag nating dress for less … but not so fresh 😂
Leave a Reply