“TITA” — An affectionate or honorific term for a woman of an older generation than oneself. Yan ang definition sa google. Ang general. Ang biased (dahil point of view ng bagets edi kayo na ang bata!). At ang sakit. Pero kahit masakit, kailangan tanggapin at aminin na you are turning Tita pag ganito na kayo:
.
1. Nilalagay mo ang used plate mo sa kabilang table dahil wala ka ng space.
.
2. Kung sinasagot ka na ng mas batang officemates mo ng may “po” at “opo”.
Pag tinawag kang Tita (at hindi na Ate), tama na ang pagdeny… tanggapin mo na ang pagiging Certified Tita.
.
3. Excited ka if may concert ang Backstreet Boys, Nelly, Coldplay sa Manila.
Because we don’t care who you are, where you’re from, what you did as long as you have money… 😉
–
4. Kapag one arm’s length na ang cellphone pag nagtetext .
–
5. Kapag may nagpadala ng ebook, at kailangan mong iprint para ma-enjoy mo.
–
6. Pipila ka nang 9:45 ng gabi sa French Baker para buy 1 take 1 na ang tinapay.
–
7. You already believe in the power of salonpas, tiger balm and katinko.
.
8. Mas masarap tulog mo kung nakapag bejeweled ka.
–
9. Dati guwapo gusto mo, ngayon may kaya nalang. 😂
#BUSINESSMAN
10. Sa annual physical examination, required ka na mag-pap smear. 😂
.
Madami pa ang signs… madami rin ang nangyayari pag ikaw ay nagiging Tita, like ang unti unting paglayas ng metabolism mo (See “A Tita’s Letter to Millennials“) at ang paglala ng pagiging concerned mo kung napatay mo ang plancha bago ka umalis ng bahay (See “Tita Moves“).
But being a Tita is more than an affectionate term for a woman of an older generation. TITA for us means Tumatandang may Ibang Talino at Abilidad. 😉
Pati ECG required na sa annual physical. Ha ha!