Pakialamaera ako pag dating sa studies ni Addie. Hindi pa kasi siya nakaka-study mag-isa. Bago mag-aral, friends na friends kami niyan. Kulitan at kuwentuhan.
Pag study time na… waley. warla na.
Hindi naman sa competitive ako, gusto ko lang matuto sya ng good study habits. Para din naman sa kanya yun at sa akin… dahil by the time si Aki naman ang magstart ng school, kailangan kaya na ni Addie magstudy on her own. Baka maloka na ako ng tuluyan kung dalawa na sila. 😛
Kaya lang pag sinabi mo na “study time”, ganito na ang mga eksena:
1. Madaming siyang kailangan gawin… “busy” kasi siya.
“Wait, Mommy! I’m hungry.”
“Can I take a bath first?”
“I have to pee.”
“I’ll fix my bag muna.”
(Walang katapusang excuses!)
–
2. Tired… sleep…
Biglang aantukin kahit full of energy bago mag-aral.
.
3. Kokontra
Addie: But teacher said it should be this way…
Me: But I think you misunderstood that’s why you’re getting the wrong answer.
Addie: Then teacher doesn’t understand too.
😯 😯 😯
4. May Analysis
Addie: If Eve came from Adam, and they got married and have children, who did their children marry? Aren’t they the first man and woman? How did we become many?!
Mommy: …. okay, finish na tayo sa CL. Language na.
.
5. Philosopher.
Polite nga naman.
Exam Question: How are addition and subtraction related to each other
Answer: They are related because they are both lessons in Math.
Pak!
Mommies, share naman ng tips niyo paano niyo araling mga anak niyo! 🙄
Maganda ang handwriting ni Addie!