May exam si Addie sa Filipino. Ang topic: Kaantasan ng Pang-Uri.
Kung nakalimutan niyo na, ang pang-uri ay ang salitang naglalarawan ng tao, bagay, hayop of pangyayari. Ito may tatlong antas: Lantay, Pahambing at Pasukdol
Malimit nakakalito kung pahambing o pasukdol ang ginamit na pang-uri lalo na kung walang inihahambing ang pang-uring pasukdol. Kagaya nalang nitong maiksing pagsasanay ni Addie.
D: Addie, remember, ang pahambing may cino-compare na dalawang tao, bagay, hayop o pangyayari.
Halimbawa: Higit na maganda si Nanay kumpara kay Pia Wurtzbach.
Addie: Mommy!!! Mas maganda si Pia!!
Hindi man siya marunong mag Tagalog, marunong naman siya magsabi ng totoo.😂
Me: Ah ganun. I will meet Pia later. Sabihin ko bad ka!
Addie: You don’t know Pia Wurtzbach. She’s famous!
Me: Ah ganun ha!
Hindi ko man kilala pa si Pia, kilala ko naman ang napakagaling na abogada nya.
PAK!
View this post on Instagram
Huwag mo akong hinahamon anak. Ayan, makinig ka! 😂 Thank you, Queen P! You’re the best 😘
#DONTME
Ay, iba talaga! Ano naman kaya ang rebuttal ni Addie this time?
Wow!!!!!!!!!!!!!! As in wow!!!!!!!!!!!!!!!