Yung bibiyahe ka tapos ang daming ipapadala sayo ng mga kamag-anak mo para sa mga kamag-anak nila sa tuhod sa ibang bansa. Stress di ba? Di bale kung may pambayad sa excess baggage eh.
Pero wag ka na mastress. Magagawan naman ng paraan yan.
1. Ang solusyon sa over baggage ay oversized coverage. Lakihan ang mga suot.
At dahil maluwag na, pwede nang siksikan ng cup noodles and cup A mong bra.
–
2. Maximize every nook and cranny of your body.
Shoot ang dugtong dugtong na sachet ng 3-in-1 at seasoning sa manggas mo. Siguradong “toned na toned” pa ang arms mo.
–
3. Kung di masyado mabango ang pinabibitbit sayo tulad ng danggit at dilis, ternuhan mo na lang para di mahalata.
Wag maligo 5 days bago ang biyahe.
–
4. Embrace your assets.
Advantage pag malaki ang balakang at bewang (tulad ni D ✌️), di na mahahalata kung lumaki lalo dahil sa instant noodles na nakaplaster sa katawan mo.
–
5. Wearing boots is always a good idea.
Fashionable, “abroad na abroad” ang dating, at masisiksikan pa ng kropek at ampao.
6. A classy trench coat is the perfect finish to your winter look.
Not only does it add more storage space, it is the perfect cover so people won’t look… smell… or make hingi your goods.


.
Masarap makatanggap pero minsan, mas masarap ang magbigay. Lalo na ngayong Pasko. Sa mga kaanak namin sa abroad na walang pagod sa trabaho makapagpadala lang samin ng PX goods. Kami naman ang magpapadala ng PH goods. Kami naman ang magpapasaya sa inyo. #KamiNaman ❤️
Let’s show our love to our OFWs in a different way this Christmas. Click -> #KamiNaman
Leave a Reply