Minsan pinagtatawanan tayo ng ilang mga millennials dahil sa ating mga kuwento about “noong unang panahon” at sa pagiging attached natin sa mga “vintage” nating kagamitan.
Siguro di nila naappreciate dahil nas matalino na ang mga gadgets nila ngayon. Ngayon, sa sobrang talino ng celfone, isang letra pa lang ang na-type mo, nahuhulaan na niya kung sino ang tatawagan mo. Isang pindot, ring na agad!
Noon, bawat numero, pipihitin mo. 8…tik tik tik tik tik tik tik tik…4…tik tik tik tik….2…tik tik…Ay, mali! Ulit! 8…tik tik tik tik…
Kailangan ng matinding presence of mind bago mo ma-dial ang number. Minsan nga, by the time makausap mo yung tinatawagan mo, nakalimutan mo na sasabihin mo. 😂
Ngayon, pipindutin mo lang ang Netflix o Spotify, swipe swipe, tapos play. Ang DALI!
Noon, aarkila ka muna ng Betamax, VHS o hihiram ka ng casette sa kaklase mo. Malas mo pag di pa narewind ang tape. Manual mode on! Kung ngayon ang DALI, noon ang DALI-RI! Bow.
Ngayon, click! May photo na! Maququality control at filter mo pa. Mapapakinis ang kutis, mapapaputi ang ngipin, pati pisngi at nguso, mapapapula. #BeautyPlus
Noon, KODAKAN! Bibili ka muna ng Kodak film. 24 o 36 shots kung kasya sa budget. Swerte mo kung minsan may extrang isa o dalawang shots bago magrewind ang film. Maingat pero mabilis mong huhugutin ito sa camera. Kasi mahirap na ma-expose. Tapos maghihintay ka ng 2 linggo, kasi nag-iipon ka pa ng pang-develop. Hintay ka ulit ng isa o dalawang oras bago balikan ang mga litrato. At finally, pagtingin mo, kalahati ng shots nakapikit ka!
Ngayon, kahit isang clan kayong magpipinsan, kapitbahay o kahit di mo kilala sa iba’t-ibang panig ng mundo, pwede kayong sabay sabay maglaro ng video game. Ang saya!
Noon, dalawahan lang ang pwede sa Nintendo Family Computer. Kung 7 kayong magpipinsan, at bunso ka pa, hihintayin mong “mamatay” si Super Mario makailang beses bago ka pagbigyan ng mga kuya at ate mo maglaro. At kapag pagkakataon mo na, biglang maghahang ang family computer. E-eject mo muna ang bala, hihipan ito nang malakas pati yung saksakan, para daw matanggal ang alikabok, masamang elemento at malas, bago ka makakalaro ulit! Mas malas ka pag nagbrownout!
Sa madaling salita, tiyagaan noon. Kung maiksi ang pisi mo, at hindi ka madiskarte, nganga! Ibang iba sa ngayon na isang pindot, magic! Kaya mahalagang mapaalam sa inyo, mga bagets, kung gaano kahirap noon. Hindi sa gusto lang ng mga titos at titas niyo magkwento nang walang katuturan kapag family reunions. Gusto namin ipaalam sa inyo ang halaga ng pasensya. Bakit? Because PATIENCE IS A VIRTUE. AND I….THANK YOU! 😄
Panoorin ang video at sabay sabay nating sariwain ang ating kabataan, mga titos at titas. 😊
Leave a Reply