Women are complicated creatures…and so are men pero hindi muna sila ang bida dito 😉
According to studies (na inimbento lang namin), one of the most common reasons why couples argue is MISCOMMUNICATION. Bakit nga ba? Kasi yung sinasabi natin taliwas sa ating gustong sabihin. O di kaya, iba ang intindi ng mga lalake sa sinasabi ng mga babae.
So, kasalanan nga ba nating mga kababaihan ang mga away? Hindi, dahil may karapatan tayong mag-inarte. Pero hindi rin naman kasalanan ng mga lalake. May kailangan lang sila matutunan.
Pag sinabi namin “bahala ka,” mag-isip ka na. Katumbas ito ng salitang “fine.” Pag sinabi naming “fine”, hindi talaga fine. Ergo, ang “bahala ka” means “don’t me.”
Example:
MISTER: Lalabas ako mamaya ha.
MISIS: BAHALA KA!
Hindi yan:
“Bahala ka, may sarili kang pag-iisip at rerespetuhin ko kung ano ang desisyon mo at makakaigi o magpapasaya sa’yo.”
Ang puwedeng meaning nyan (depending on the degree ng init ng ulo ni mamshie in terms of farenheit):
“Subukan mong lumabas ng pamamahay na ‘to at malilintikan ka paguwi mo o baka wala ka nang uuwian dahil bibirahan namin ng layas ng nga anak mo. Priority mo lumabas at mag-enjoy?! Pwes, mag-enjoy ka mag-isa mo habambuhay!”
Ikaw ba naman, lalabas ka pa?! 😂
Pag niyaya ka ng asawa mo mag-date…. HINDI KASAMA ANG MGA BATA…
o ang barkada, o ang tito o tita, o ang pinsan mong galing San Diego na bumisita.
And when you are out on a date, pakiusap lang… talk about things you used to share with each other or can’t talk about when the kids are around. Puwedeng cheesy, romantic, funny nonsense, or kahit censored. Yung matutuwa kayong pareho. Huwag naman yung nasirang bumbilya sa kusina, pagtaas ng presyo ng karne, o yung tuition fee ni Ate.
.
Huwag na huwag mong sasabihin na madami syang damit sa cabinet. Kahit na may bago syang nabiling dress at nasuot palang isang beses.
She wants to look nice when she goes to an event or party with you. So mas mabuti, if you’d say, “go buy a dress” or if walang budget “Kahit ano namang isuot mo, maganda sayo.” 😉
In connection to the above, pag tinanong ka ng asawa o jowa kung ok lang ba itsura niya, wag kang sasagot ng “Okay lang,” “okay naman.” The words “lang” and “naman” give a sense of uncertainty and make your wife doubt her appearance or choice of fashion or beauty.
Ang tamang sagot ay:
“Okay na okay!”
“Yes maganda!”
Ganyan dapat! Bolahin niyo naman kami kahit minsan. 😆
Kung di talaga maganda, ganito dapat ang sagot… “maganda yan pero mas maganda siguro kung….”
O ayan, alam mo na ha!
Pag may tinanong ang asawa mo at pagkatapos mo sumagot ay nagtanong sya ng “ANO?”, pakiramdaman mo ng mabuting mabuti. Kung hindi mahina ang pandinig ni misis, malamang sa malamang ay di niya nagustuhan ang sagot mo. Change your answer ngayon din!
Umayos ka.
…
–
Napalingon ka sa dumaang babaeng mas bata, mas maganda at mas sexy sa asawa mo. It’s natural for men to appreciate and look. Pero nahuli ka ng misis mo at nanlilisik ang mata nya. Ano’ng gagawin mo?
Dedmahin ang tingin ng asawa at hintayin mo siya iconfront ka.
Huwag kang mauunang mag bring-up dahil mabubukong guilty ka.
At pag nagsalita na si misis, deny to death with bola.
Example:
MISIS: Talagang tiningnan mo yung sexy noh?!
Suggested answers para kay Mister:
Huh? San?
Saan ang sexy?
Parang kilala ko lang kasi.
Dagdagan ang denial ng bola:
Wala ng mas sesexy pa sa ‘yo.
Maaring tiningnan sya ng mata ko pero ikaw lang ang nakikita ng puso ko.
Sa kakornihan mo, mawawala na ang galit ng misis mo. You’re welcome!
.
So ang lalake lang ba dapat mag adjust. Siyempre hindi. Ako man, inaaral ko pa ang mga mysteryong:
1. Bakit inaabot ng isang oras sa banyo ang mga lalake?
2. Bakit pagnagsama sama ang mga lalake mas chismoso sila sa babae?
3. Bakit nabibingi sila o sumasakit likod nila pag may pinapagawa ka?
Relationships get stronger when both are willing to understand each other. We may not completely appreciate what the other wants to say. But simply by asking and trying to understand where he or she is coming from is all that you need. ❤ And that’s how we survived 10 years of marriage… plus etong husband helmet na pinasuot ko sa asawa ko. May lifetime warranty. It can save your life and your marriage. PM for orders. 😂
Leave a Reply