Bago ang OK CUPID, TAGGED, TINDER at COFFEE AND BAGEL, may iba’t ibang basehan na kami para malamanang kahihinatnan ng love life namin. Hindi kailangan ng mgaalgorithm, computer o anupamang app. Papel at ballpen lang, magkakaalaman na.
Unless ikaw si Benjamin Button na pinanganak na matanda at hindi dumaan sa kabataan, siguradong alam mo ang larong ito. Sinubukan naming lahat ng combination ng pangalan ni crush – nickname lang, full name, may middle name o middle initial lang. Kung alin ang lalabas na “MARRIAGE”, shempre dun tayo maniniwala.
Take note: F is for FRIENDSHIP, L is for LOVERS, A is for ADMIRERS, M is for MARRIAGE at E is for ENGAGED. Alam naming dapat A is for ANGER, E is for ENEMIES at S for SWEETHEARTS. Pero ayaw naming matapat dyan si crush kaya puro positive and long-term lang tayo. Walang pakialamanan.
.
Pag-apak mo sa puberty stage, hindi na bangkang papel ang binubuo mo sa pad paper. Requiring a higher level of folding skills and a careful selection of numbers and colors written on every fold – this is your LOVE FORTUNE TELLER.
Paano naging fortune teller? Dahil ang papel na ito ang makapagsasabi…
kung sino sa DA GWAPINGS ang makakatuluyan mo.
Pero kung may natatanging isa ka nang napupusuan, what you need is the (manual) LOVE CALCULATOR para malaman kung ilang percent ang chances na magiging kayo ni crush.
Mababa ang resulta? Don’t worry. The LOVE CALCULATOR can be adjusted to your liking. Ibahin mo lang ang pagkakasulat at bilang ng strokes per letter. For example, “A” is normally written in 3 strokes. Pero dahil below 50% ang resulta, ulitin mo. This time, inverted U na may guhit na lang sa gitna and “A”. 2 strokes. Pag mababa pa rin, gawin ang strategy na ito sa iba pang letra hanggang makuha ang resultang ikahihimbing ng tulog mo sa gabi, with matching ngiti sa mga labi.
(sabi na… si Geneva lang ang naging hadlang!)
.
Kung na-establish mo na (after multiple attempts) na 99% ang chance na MARRIAGE ang kahihinatnan niyo ni crush, ang next step ay ang M.A.S.H. Dito mo naman malalaman kung ano ang magiging future niyong mag-asawa – na sa Japan kayo titira, magkakaron ng Mercedes Benz, magiging sikat na singer si hubby at dalawa ang magiging anak niyo.
Oh diba, mula crush hanggang married life, mapaplano mo na ang future niyo. Simple, masaya, walang kahirap hirap, at higit sa lahat, pwede dayain. Wala pa nga lang social media noon kaya ang pinaka-efficient na paraan para ipagkalat ang resulta ng FLAMES, MASH at LOVE CALCULATOR mo ay walang iba kundi ang ever-reliable, CHISMIS! ;P
Hahahahahahaha relate! Ang reference jao mapa, paco at “gwapings” ng mga titas. Kabog ang daniel,, enrique at james ng millennials. Jusko naalala ko sabi ng kapatid ko noon gusto ko raw pakasalan si jao mapa! Hahahahhaahha!