Habang lumilipas ang panahon, hindi lang white hair and wrinkles and dumadami sa atin… dumadami din ang ating identification, membership, discount, loyalty at rewards cards. There is something about TITAS and CARDS. Di ba pag bumibili ng wallet, ang iisipin mo kung kakasya ba ang mga “cards” mo.
Check mo kung ano meron ka dito. The more cards… the more chances of TITA. 😛
Pag may 1-8 Cards ka, malamang mga government-issued cards pa lang yan. Relax ka lang. Malayo-layo pa ang biyahe mo towards Titaville. Enjoy-in mo yang kabataan mo. Aabangan ka namin.
9-18 Cards. Ay, mars!!! Apir tayo dyan! Halatang madami ka nang pananagutan sa buhay. Kaya hanggang makaka-menos, makakasulit o makaka-earn ng points sa kahit papaanong paraan, patola na tayo!
19 or more Cards. Ultimate tita in da haus!!! Iba ka, atey! Kung may rewards card din ang Maynilad, Meralco at PLDT, sigurado platinum ang sa’yo! Bagamat isa ka sa kinaiinisan sa pila ng cashier, dahil ang tagal mo balasahin ang iyong card collection, tinitingala ka rin sa lipunan dahil halos lahat ng establishimiento, naikot mo na! Masigabong palakpakan!
Panoorin ang quest namin makakuha ng membership card sa Shangri-la Fort. 😆
Leave a Reply