Minsan sinabi ng prof namin (na bar topnotcher) that the bar exams is a test of minimum legal skills. Luh! Halos malagas na buhok namin at magamit sa pag-igib yung mga eyebags namin sa pag-aaral, minimun test pa lang?!
No, no, no. We believe that the bar exams is more than a test of minimum legal skills. It is a…
Test ng English
Pag nasimulan mo na magsulat nang ma-realize mong mali ang sagot mo…

A. I-erase? Naku, marking yan!
Or B. Panindigan ang English at gawan ng palusot. Tulad nito…

Medyo maaasar lang yung examiner sa’yo pero may points ka naman for neatness. 😂
Test of 24-hour protection
Bar exams = intense = tense = high blood pressure and body temperature = naglalawang kilikili.

Lumobo at pimpolin ka na nga, maawa ka naman sa sarili mo — mag-deodorant ka naman. It will give you that much-needed confidence (dahil “it won’t let you down” nga diba?).
Take it from us: It’s better to take the BAR without JABAR! 😉
Test of the Nerves

As in NERVE-YOS. Sino ba naman di kakabahan kung yung bar ang magdidikta kung ano ang kahahantungan ng 4/5 years mo sa lawschool. Malamang talaga aakyat lahat ng dugo sa ulo mo. At understandable yun.
Pero umakyat man ang dugo sa ulo mo, paganahin mo pa rin. Yung kamay mong namamanhid sa kaba, pilitin mo pa rin magsulat! Andyan na yan eh. Best effort na!
Test of jowa
Kung kaya ni bf/gf tiisin na hindi ka na nagsusuklay…na hindi na nagpapang-abot yung kamay niya pag yakap ka dahil 2-pc chickenjoy ang minemerienda mo…na nakikita ka niyang umiiyak habang naghihighlight…na bigla ka na lang sinasaniban ng demonyo nang walang dahilan…tapos ok ka na naman ulit after 5 mins.
Mahal ka niya talaga. Pasado siya. Siya na ang THE ONE.
Test of Faith
You have to have faith, faith in God and in yourself. Kinaya mo ang limang apat na taon sa law school, apat na linggo pa kaya?! Maniwala at manalangin!
Leave a Reply