Having a pet is a big responsibility. Sa sobrang laki, para ka na rin nagkaanak.
Nagpapalit ka din ng diaper. Ang pinagkaiba lang, malalaman ko kung puno na ang diaper depende kung ilang beses siya umakmang iihi sa poste. 😂

You also deal with tantrums. Yung aabutin ka ng hiya kasi lahat ng aso behaved, tapos yung bitbit mo biglang mang-iiskandalo ng tahol.

Kelangan mo maging patient sa pagtuturo. Pero kung Jollibee ang premyo pag mataas ang grade sa school, kapag aso, isang kurot lang ng adobo. Solb!

Di baleng mukha ka nang haggard basta masaya sya. Putok na putok ang makeup mo pero, no choice, dadampot ka ng tumpok tumpok na j*bs ng alaga mo. 😆

Inuubos mo tira nya. At dahil mas mahal ang dog food sa bigas, minsan gusto mo na rin simutin sa panghihinayang!

Talaga nga namang di masusukat ang pagmamahal natin sa ating pets. Kaya kung gusto mo magbahagi ng pagmamahal na yan sa ilang retired dogs na walang pamilya, check out www.houndhavenph.org and learn how to help our furry friends. 🥰
Leave a Reply