IKAKASAL NA KAMI!!! Eto na ‘yun! Sa wakas!!! But first, prenup.
Sabi nila, when life gives you lemons, make lemonade. Sabi namin, when life gives you a limited budget, walang pang-airfare, walang pang-hotel, walang pang-visa, walang pang-Ethiopia, Morocco or Europe, make a prenup shoot sa DIVISORIA!!! And that is just what we did!
Minsan kaming umikot sa Ilaya para mamili ng kurtina. Pag-pasok namin sa tindahan, ang daming nakadisplay nakurtina, iba’t ibang kulay, iba’t ibang texture, para kang nasabahay ng Prinsipe ng Morocco (kung may prinsipe man sa kanila!) At yun na, nasabi ko sa sarili ko, “Dito na kami magpi-prenup!” At talaga namang di kami nagpaawat! Agad namin kinausap ang may-ari at pumayag naman. Venue, check!
Si Domesticated ang humanap ng pegs. Sa tulong ng fashion student/ pinsan kong si Anya (buti na lang madami akong kamag-anak), ni Paul Catapia (of BaCav), at ng aking mga anghel sa bahay, outfits, check!
Buti na lang available si Guillano Valenzuela of Signature by Guillano para mag-hair and make up kaya check!
Kailangan na lang namin ng photographer na game sa concept namin at kaya ma-achieve ito.
Dito pumasok ang Amady Manila. Di lang nila “gets” ang gusto naming mangyari na mala- streets of Morocco prenup shoot…



dinagdagan pa nilang… “Tuktuk” (e-bike lang talaga) Tour sa Thailand, Escolta Street, Manila…


Food crawl sa China(town), Binondo, at…



Gourmet merienda date at Jones Bridge, Paris….



Ginalugad ang buong ka-Maynilaan! Yor-me would be proud! Ang nagsimula sa Morocco, tatlong kontinente ang inabot!
Tara, samahan niyo kami sa aming AROUND THE WORLD IN MANILA! 😉
Leave a Reply